Sunday, April 20, 2014

A MESSAGE OF THANKS TO EHEADS

Re-posting my multiply blog. This was written a week after watching the FINAL SET concert in 2009.
This was my unforgettable concert event I had witnessed.

MARCH 7, 2009
MALL OF ASIA CONCERT GROUNDS
ERASERHEADS: THE FINAL SET

Dearest Ely, Raimund, Marcus and Buddy,

O mga PARE KO, gusto kong sabihin sa inyong umaapaw ang puso ko sa LIGAYA matapos kong mapanood ang una at huling sulyap ko sa concert ng pinakapaborito kong banda, ang ERASERHEADS!

Naisip ko noon KAILAN ko kaya masisilayan ang bandang nagpasimulang humubog ng pagkahilig ko sa musika. It was HARD TO BELIEVE but that very day finally came. I thought that the REUNION CONCERT was the final concert of the band. Ito ay isang MALING AKALA. THE FINAL SET CONCERT HAPPENED!
Thanks to MTV Philippines and SMART Communications that organized this historical musical event.

Hindi man sa MAGAZIN ko kayong unang nakita at nasilayan ngunit salamat sa simpleng song hits na pumukaw sa aking kamalayan. Sa mga awitin ninyong hindi matatawaran nang talino at galing. I was TOO YOUNG (TOYANG) then, but you SHAKE MY and other HEADS to your simple but rock tunes.

MINSAN naisip ko, ano nga bang meron kayo at napakarami ang humahanga sa inyo. Isa lang ang masasabi ko, ang mga simpleng salita sa awitin ninyo at sinabayan pa nang tugtog ng mga instrumentong kay sigla ang siyang nagbigay buhay sa bawat awit at nagdulot ng iba't ibang damdamin sa bawat isang tagahanga at kabilang ako roon.

Hindi ko na kailangan maghintay ng SEMBREAK at CHRISTMAS PARTY para masilayan ko kayo. Hindi isang MASELANG BAHAGHARI o ulan ang hahadlang para MAKAPILING KAYO (TUWING UMUULAN AT KAPILING KA). Dahil sa FINAL SET CONCERT, napa-EL BIMBO at napa-OVERDRIVE ako sa saya. Parang naTIKMAN ko na ang langit sa inyong masasayang awitin. Hindi matatakpan ng MASKARA ang ganda ng inyong mga awit dahil ito ay tulad ng isang HARANA minsang kong minahal. Para ding isang FRUITCAKE ang makukulay na himig na nagbibigay tamis sa minsang maasim at masalimuot kong buhay.

Ang sarap balik-balikan ng mga awitin ninyong nag-iwan ng isang magandang alaala. Tulad ng isang SPOLIARIUM, naging makasaysayan ang mga tugtugin pati na rin ang buong banda. Ang mga pangalang ELY, RAIMUND, MARCUS at BUDDY ay nakatatak na sa kasaysayan ng Philippine Music. Ang mapabilang sa libo-libong manonood ng FINAL SET CONCERT ay maihahalintulad din sa pakiramdam ng nasa ALAPAAP ngunit ang LIGAYAng dulot nito ay hindi masisira ng ALKOHOL kahit pa buhol-buhol ang buhay.

Hindi ako isang TORPEDO. Isang pasasalamat lamang ang inihahayag ko. HUWAG MO NANG ITANONG kung bakit kayo ang aking pinakapaborito.

Yes! WITH A SMILE, I will forever cherish the day I witnessed you perform on stage. It's a TRIP TO JERUSALEM journey bago ko kayo masilayan

PARA SA MASA kayo pa rin ang bida! You are still the ERASERHEADS!

LONG LIVE EHEADS! Thank you for sharing the greatest music of all times.


YOUR ONE OF THE BIGGEST FAN,
RIZ

No comments:

Post a Comment